Kalat ay ating sinupin
bilang ambag natin sa ating sariling pamayanan
para sa isang malinis na bayan.

Disiplina ay ating pairalin
upang kalikasan ay mapangalagaan natin
tayo din ang makikinabang
sapagkat sakit ay maiiwasan

Turuan natin ang mga bata ng wastong pagtatapon
Basura ay para sa basurahan at hindi sa lansangan

Isulong natin Zero Waste sa bayan ng Guimba.
Napakagandang tignan malinis na kapaligiran
siguradong ipagmamalaki tayo kahit na sa ibang bayan.

Simulan mo na kabayan