Pamahalaang kumakalinga
Pinunong nagmamalasakit
BHW na nakikiisa at gumaganap
Para sa mamamayan ng Guimba.
Nakatatak sa aming puso ang sakripisyong inyong inialay habang ang buong munisipyo ay nakikipaglaban sa salot na dumapo sa ating bayan. Kayo ay katuwang namin sa bawat pasyente at apektadong pamilya na sinalanta ng Covid 19. Kayo ay tumindig para sa ating minamahal na bayan.
Hindi namin ito kailanman makakalimutan.
Ang ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon, Vice Mayor Jesulito Dok Lito Galapon at buong Team Guimba Kong Mahal ay nagpapasalamat sa inyong kabayanihan.
Malayo pa ang ating tatahakin at madami pa tayong unos na sasagupain subalit habang andyan kayo at katuwang ng pamahalaang lokal ating mapagtatagumpayan ang bawat balakid at hagupit ng buhay.
Salamat sa BHW Municipal Federation, sa kanilang pangkalahatang pinuno Elizabeth Gadiano, mga opisyal at bawat BHW/BNS.
Sama sama walang iwanan sa bayan ng Guimba Kong Mahal.