Sa paggunita ng World Rabies Day ang Guimba Community Hospital nagsagawa ng maikling anti rabies awareness demo sa harap ng ating ospital o Lying In sa pangunguna ng Head of Hospital Dr. Manuel Galapon III.

Sa gitna ng pandemya atin pa ding inaalala ang ibat ibang mga programa ng ating Nasyunal na Pamahalaan at isa na dito ang pagpapabakuna ng ating mga aso at pusa.

Nais nating mabigyan ng impormasyon ang ating mga kababayan sa wastong pagtrato at pag-aruga ng ating mga alaga.

Upang ang kaso ng rabies sa ating bayan ay mabawasan kung hindi man matuldukan, sikapin natin na nakasinop sa kulungan o kaya ay may maayos na tali ang ating mga alagang hayop at siguruhing mayroon itong bakuna laban sa rabies. Bukod sa Rabies nagiging sanhi din ito ng aksidente sa kalsada dahil sa ating mga napabayaang alaga.

#ResponsablengMamamayan
#WorldRabiesDay
#AntiRabiesCampaign
#GuimbaKongMahal

world rabies day photo