Wheel chairs na donasyon Mula sa KAPAMPANGAN Development Foundation Inc, ipinamahagi ngayong araw.

Pitong kababayan na PWD ang nakatanggap ng tigi tigisang wheelchair: Joselito de Guzman ng Bantug, Cristina Barroga ng San Rafael, Jhemma Castaneda ng Tampac 2-3, Editha Ramos ng Cavite, Julianne Cabanilla ng Narvacan 1, Jerry May Payne at Edward Asuncion kapwa taga San Andres.

Ang pamamahagi ng mga wheel chairs ay pinangunahan ng KDFI representatives kasama ang ating mayor Jose Boyong Boyong Dizon, at Ito ay dinaluhan ng ating, MSWD, PDAO at ng mga iba pang kawani ng munisipyo.

Ang mga benepisyaryo, bilang pagtanaw ng magandang loob sa KDFI at sa Pamahalaang Bayan ay sasali sa mga gawaing pangkomunidad sa kanilang mga lugar.

Patunay lamang na sa Guimba Kong Mahal, lahat ay may puwang, anuman ang kalagayan o katayuan sa buhay.

Salamat sa KDFI at sa ating Ama ng Bayan Jose R. Dizon sa pagpapadama ng tunay na malasakit sa mga kababayang may kapansanan.

#malasakitatkalingasamamamayan
#SulongPWD
#GuimbaKongMahal