Habang ang pamahalaang lokal ay nakikipaglaban sa mapaminsalang virus, naghahanda din ito para sa mga paparating na bagyo.

Nagkabit ng mga water level measuring devices sa barangay Pasong Inchik, barangay Cavite at barangay Partida 1.

Kabilang ang mga water level sensor na ito sa ating pagpapalakas ng kapabilidad na malaman agad ang sukat ng tubig sa mga daluyan katulad ng ilog bago pa man umabot ang baha sa mga kabahayan ng sa gayon ay mabilis na maililikas ang ating mga kababayan.Layunin ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon na mabigyan ng panatag na pamumuhay ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng masusing paghahanda at mabilisang pagtugon. #guimbadrrmo#guimbarescueteam#alagangdizon#GuimbaKongMahal