Simulan natin ang umaga sa pagbabahagi ng magandang balita

Ang ating waste to resources (energy source) ay nakapag dry run nitong nakaraang lingo lamang at nais ng pamahalaang lokal na ibukas ito sa mamamayan.

Sa pamumuno ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ay magkakaroon na tayo ng isang pasilidad kung saan ang basurang sisinupin natin ay magiging bagay (diesel) na magagamit natin bilang enerhiya. Dalawa lamang ito sa buong Nueva Ecija.

Kaya nitong magproseso ng limang toneladang napaghiwalay na basura (segregated) at ang mga waste tulad ng plastic at iba pa ay maaaring ma convert sa enerhiya.

Habang patuloy na tine test ang ating pasilidad ay atin namang ikinakampanya ang tamang pagsisinop ng basura upang maipasama sa pwedeng maproseso. Magkakaroon po tayo ng organisado at sistematikong pagkokolekta ng basura at ang hindi napaghiwalay na basura ay hindi hahakutin bilang pagsunod sa itinakda ng batas na mas kilala sa Ecological Solid Waste Management Act (RA 9003).

Pakikiisa ng lahat ang susi sa ikatatagumpay ng lahat ng adbokasiya at hangarin ng ating Ama ng Bayan. Nais nyang makatulong na mapangalagaan ang kalikasan upang makasiguro ang mga susunod na henerasyon na mayroon silang malinis na kapaligiran.

Para sa bayan at mamamayan
#GuimbaKongMahal