Ito ay nakamamatayIto ay lason sa utakIto ay salot sa pamilya at lipunanIto ay isang ugat ng kriminalidadIto ang anay na sumisira sa lahat.

Ang pamahalaang lokal, mga barangay at kapulisan ay nagbabantay hanggang sa maabot natin ang pangarap na DRUG FREE GUIMBA.

Nakikita ng Pamahalaang Nasyunal ang pagsusumikap ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon bilang chairman ng Anti-Drug Abuse Council na maipaloob sa rehabilitasyon ang mga taong nasangkot sa droga at pagbibigay ng tsansa na sila ay makapagbago at maibalik sa lipunan. Kung kayat iginawad sa ating bayan ang “HIGH FUNCTIONAL” award bilang pagkilala.

Katuwang ang mga barangay at buong hanay ng kapulisan darating tayo sa yugto na masasabi nating tayo ay malaya na sa ipinagbabawal na droga.

#SulongGuimbaKongMahal