SAMAHAN KAMI SA VALENTINE’S DAY SPECIAL NG GUIMBA KONG MAHAL UPANG TALAKAYIN ANG MGA PROGRAMANG ISINUSULONG NG PAMAHALAANG LOKAL NG GUIMBA!
Ngayong Pebrero 14 ay makakasama natin ang OSCA upang talakayin ang mga isyu at programa para sa ating mga senior citizen. Susundan ito ng talakayan para sa ating differently-abled persons kasama ang PDAO sa Pebrero 21, solo parents sa Pebrero 23 at mga kabataan sa Pebrero 28. Ang talakayan ay mapapanuod tuwing alas-5 ng hapon via Facebook Live sa ating Official Page: Municipality of Guimba
Magkaroon ng kaalaman at makisabay rin sa kantahan kasama ang ating special guests!
Ang talakayang ito ay pagpapataas ng antas ng kamalayan ng lahat tungkol sa mga programa ng pamahalaang lokal. Tulong tulong nating resolbahin ang pangkalahatang suliranin at sama sama nating tugunan ang pangangailangan na pinagdaraanan at kakaharapin ng ating mga kababayan.

#KabataangGuimbanians

#GuimbaKongMahal

VALENTINE’S DAY SPECIAL photo