Narito po ang updated/revised priority listing ng mga mababakunahan ayon sa Kagawarang ng Kalusugan (DOH).
Alamin sa larawan kung ikaw ay nakabilang sa mga nakasaad na priority for vaccination.

Patuloy tayong nakakaranas ng mababang bilang ng mga dumarating na bakuna kung kayat hindi ito sumasapat sa bilang ng mga nagnanais na mabakunahan. Sinisikap ng ating Mayor na mabigyan tayo ng karapatan (authority) na direktang bumili ng mga bakuna upang matustusan ang pangangailangan ng ating bayan. Ang ating lokal na pamahalaan (LGU Guimba) ay kasama sa mga munisipalidad at syudad na naghahangad na mapabilis ang pagbabakuna. Hanggang sa kasalukuyan ay umaasa tayo sa ibinababang bilang ng bakuna.