Isa na naman nating kababayan ang nadagdag sa kabuuang kumpirmadong positibo sa Covid 19 mula sa barangay Cavite. Umaabot napo tayo sa 66 na kaso.

Agad na ipinagutos ng ating Mayor ang pag contact trace ng mga nakasalamuha ng biktima ng Covid upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. Ipinaloob sa kwarantina ang ating kababayan at masusing pinagaaralan kung saan nya ito nakuha. Isinaayos na din ang pagkwarantina sa mga nakasalamuha kasama na ang pagsasaayos ng kanilang pagkain at disinfection ng kanilang mga lugar habang iginagayak ang swabbing process upang makita kung sila nga ba ay nahawa.

Ipanalangin natin ang agarang paggaling ng ating mga kababayang biktima ng Covid.

Sinisikap ng pamahalaang lokal na mapanatili ang kasalukuyang kalagayan kung kayat mulit muli ay pinaaalalahanan ang mamamayan na ipagpatuloy ang pagiingat sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health protocol upang maiwasan natin ang lockdown at paghihigpit. Simpleng pagsuot ng face mask at tamang distansya lamang ang kailangan kabayan.

#GuimbaKongMahal