Bumaba na ang bilang ng Covid suspect sapagkat nag negatibo ang kanilang resulta at inalis naman ang died sa kategoryang “suspect” matapos makumpleto ang labing apat na araw na wala namang nahawa at ang kanilang mga close contact ay nag negatibo ang RT-PCR o swab test.

Bumaba naman ngayong lingong ito ang bilang ng PUM matapos na makumpleto nila ang labing apat na araw ng kwarantina. Wala namang mataas na bilang ng mga dumating sa ating bayan kung kayat minimal ang tantos para sa PUM.

Manatili po tayong nagiingat sa lahat ng pagkakataon upang wala ng maidagdag sa datos ng positibo sa Covid. Hanggat walang bakuna ay hindi magiging normal ang ating mga pamayanan kung kayat pinagiingat ang lahat. Magsuot ng face mask, maghugas ng kamay at dumistansya ng isang metro (MASK, HUGAS, IWAS)

Impormasyong
Para sa mamamayan at sa bayan
#GuimbaKongMahal