Sa talaan ng Municipal Health Office kasama na ang record ng Municipal Epidemiology Surveilance Unit(MESU) Officer umaabot na sa anim na libo apat na raan (6,400) PUMs as of December 31, 2020 ang naserbisyuhan ng ating pamahalaang lokal. Anim na libo isandaan syamnaput anim naman ang nakatapos na ng kwarantina sa bahay.

Samantalang apat na raan tatlumput walo (438) naman ang direktang sumailalim sa kwarantinang hardlockdown kung saan munisipyo ang nagpoprovide ng lahat ng kanilang pangangailangan at nagaasikaso ng swab test kung saan dinadala sila ng ating mga ambulansya sa ibat ibang lugar upang maisagawa ang kinakailangang rt pcr test. Munisipyo din ang nangasiwa sa mga pasyenteng nagpositibo kasama na ang paghahatid sa kanila sa ospital kung kinakailangan.

Lahat ng limamput syam (59) positibong pasyente kasama na ang tatlong daan walumpung kataong close contact ng pasyente ay munisipyo na ang nagsaayos ng kanilang swab test at transportation.

Sinisiguro ng munisipyo na ang bawat pasyente, maging ang kanilang mga close contact, ay isolated na o nakahiwalay na sa ibang tao kahit na kamaganakan pa nila ang mga ito at mahigpit na binabantayan upang hindi nadidiskrimina ang kanilang pamilya, kaanak, purok at barangay. Ito ang striktong ipinatutupad ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon.

Mahigpit ding tagubilin ng ating Mayor na ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan ay matugunan lalo pat sila ay nasa kalagayang dulot ng pandemya.

Para sa bayan at mamamayan ng
#GuimbaKongMahal