Paglikha ng trabaho o ikabubuhay ng ating mga kababayan sa anumang legal na pamamaraan ang isinasakatuparan ng ating Ama ng Bayan Jose Boyong Boyong Dizon.

Pakikipag usap sa mga maaaring makatulong sa ating bayan ang kanyang ginagawa upang mabigyan ng kaunting ikabubuhay ang mamamayan lalo na ngayong sadlak ang kabuhayan dulot ng pandemya. Hindi tumitigil ang ating Mayor at pamahalaang lokal na makapaghatid ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Salamat po sa Manila Teacher’s Partylist at sa DOLE para sa pondong inilaan at sa ating masigasig na PESO Manager sa kanyang pagsisikhay.

#SerbisyongDizon#JobsGenerationProgram#GuimbaKongMahal