Kaming mga kawani ng pamahalaan kasama na ang ating Ama ng Bayan ay handang handa at dire diretsong nagsasakripisyo para matugunan ang pangangailangan ng mamamayan maging ang pagsisiguro ng ating kapakanan lalo na sa ganitong pandemyang sitwasyon. Abutin man ng gabi at madaling araw sa mga gawain katulad ng paghahatid ng pasyente, paghahatid ng swab test specimen at paghihintay sa resulta, contact tracing, disinfection, response at monitoring gaano man ito kahirap at kapanganib ay aming susuungin upang kayo ay mapaglingkuran.

Nawa’y magkaroon ito ng kabuluhan sa pamamagitan ng pakikiisa at kooperasyon ng mamamayan.

Laban ng lahat vs Covid
Pairalin ang disiplina upang mapagtagumpayan natin ang mga pagsubok at sitwasyong ganito.

Para sa ating minamahal na bayan
#GuimbaakongMahal