Pamahalaang bayan ng Guimba pilay dahil sa mga nakakwarantinang kawani na umaabot na sa 17 RT PCR positive 20 antigen positive at aabot sa 450 close contacts subalit tumitindig at lumalaban para sa kapakanan ng mamamayan.
“kailangang tumayo tayo para sa mamamayan. Ilaban natin hanggang sa dulo ang kanilang kapakanan at bigyan natin sila ng proteksyon at pagasa”….Ayon sa ating Mayor Boyong Boyong Dizon.
Binuksan nya ang LCR, sanidad at pangasiwaan sa paglilibing upang maiproseso ang death certificate at pagbubukas ng nitso.
Binuksan nya ang MSWDO para lapitan ng mga humihingi ng tulong o financial assistance.
Binuksan nya ang relief distribution para diretsong nakakapagpadala ng tulong dagdag pagkain.
Binuksan nya ang One response command upang magasikaso sa mga dinadala sa ospital, kinukuha sa ospital, umaalalay sa mga namatayan, naghahanap ng mapagdadalhang ospital, maghanap ng mga available na kagamitan tulad ng mga oxygen tanks, regulator at canula, pagsasaayos ng mga nakankwarantina, pagdadala sa mga BIU, at paglilipat ng mga pasyente kahit pa iilan na lamang ang mga tauhang pwedeng gumanap bilang medical worker at driver.
Binuksan nya ang RHU 3 para maipagpatuloy ang pagbabakuna. Iilan lamang ang mga natirang tauhan pero hindi hadlang para kayo ay mabakunahan.
Binuksan nya ang disinfection team bagamat kulang sa tao ay patuloy na nagtatrabaho.
Oo ngat nakakwarantina pero tuloy tuloy ang laban. Hindi kailanman padadaig sa anumang hadlang.
Laban lang mga kababayan.