Ngayong araw pinangunahan ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ang pamamahagi sa dalawampung (20) miyembro ng PDAO ang dagdag “Tulong Pangkabuhayan” para sa mga PWDs na may mga maliliit na negosyo.
Layunin ng programa na maging suhay at saklay sa ating mga kababayang may kapansanan hanggang maiangat nila ang kanilang sariling antas ng pamumuhay gamit ang sipag at tyaga.