Pinangunahan ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon kasama ang Team Guimba Kong Mahal ang pamamahagi ng sahod para sa 154 benepisyaryo ng TUPAD. Ang mga benepisyaryo ay nagcommunity service sa loob ng sampung araw na kung saan sila ay kikita ng P420.00 bawat araw. Tulong pantawid kabuhayan para sa ating mga manggagawa.
Programa ng ating pamahalaang lokal na nakapaloob sa Jobs and Livelihood generation Campaign ng ating Mayor at sa koordinasyon ng DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT, Senator Joel Villanueva na masikhay at buong dedikasyong isinasakatuparan ng PESO Manager Honey Sarte.
Hanapbuhay para sa mamamayan ng Guimba
Isinusulong ang kapakanan at kabuhayan ng mga manggagawa.

#SerbisyongDizon#GuimbaKongMahal