Pinangunahan ng Ama ng Bayan Jose Boyong Boyong Dizon ang pagpapamahagi ng RISO machines and papers para sa pagpapaimprenta ng Learning Activity Sheets at Learning Modules ng mga magaaral sa Bartolome Sanggalang National High School, Triala National HS at Guimba East Central School.
Ang mga Punong Guro ng mga naturang paaralan kasama ng ilang mga guro ang siyang tumanggap ng mga nasabing kagamitan sa mismong tanggapan ng ating Punong Bayan.

Ang Pamahalaang Bayan ay kaisa sa adhikain at adbokasiya para sa pagsusulong ng de kalidad na edukasyon sa ilalim ng Bagong Normal.

#Kalingaparasakabataan, de kalidad na edukasyon para sa magandang kinabukasan
#GuimbaKongMahal