Ipinamahagi sa isang libong benepisyaryong magaaral na nasa senior high school at kolehiyo ang mga tablets na magagamit nila para sa kanilang on line classes. Tulong Ito upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng de kalidad na edukasyon sa mga magaaral habang patuloy pa rin ang pagharap ng sambayanan sa mga problemang kinakaharap na dala ng pandemya COVID 19.

Ang pamamahagi ay pinangunahan mismo ng Ama ng Bayan Jose Boyong Boyong Dizon na tanyag din bilang edukador na pumanday sa isip at diwa ng kanyang mga naging estudyante. Dinaluhan din Ito ng Local Youth Development Office (LYDO) at ng Public Employment Services office(PESO).

Ang ating butihing ama ng Bayan ay kaisa sa adbokasiyang pagbibigay ng angat na antas ng edukasyon sa kabila ng mga hamong kinakaharap natin sa ilalim ng bagong normal.

Layunin ng programa ng ating Mayor sampu ng Sanguniang Bayan na makapagbigay tulong sa ating mga mahihirap na kabataan.

#ParaSaKabataan
#dekalidadnaedukasyon ng kabataan sa #GuimbaKongMahal