Guimba East District Central School, tumanggap ng laptop mula sa Punong Bayan.

Tulong para mas mapabuti ang proseso ng pagtuturo sa ilalim ng bagong normal, ang Guimba East District Central School sa pamamagitan ng kanilang District Supervisor Doc Cesar Lopez at ilang kasamahan ay tumanggap ng mga laptop mula sa ating ama ng Bayan Jose Boyong Boyong Dizon. Ito ay pagpapatunay na ang Pamahalaang Bayan ay laging nakasuporta sa mga guro at estudyante sa kanilang adhikaing panatilihin ang de kalidad na edukasyon na siyang magiging puhunan para sa matagumpay at maginhawang kinabukasan ng ating mga kabataan.

Sa Guimba, kapakanan ng mamamayan ang siyang laging una. Mga kabataan, hangad ng Pamahalaang Bayan ang inyong tagumpay, ipagpatuloy ninyo ang pagsusumikap na matupad ang inyong mga pangarap, ang ama ng Bayan ay laging sumusubaybay at sumusuporta sa adbokasiya ng de kalidad na edukasyon para sa lahat.

#edukasyonngkabataan, susi sa magandang kinabukasan
#sulongGuimba kayang kaya kapag sama sama

Tulong na laptop sa guimba east school photo