Para po sa mga mangangailangan ng travel authority na kung saan requirement o basis ng issuance ang medical certification.

Sa January 2 from 8:00am to 5:00pm ay magbubukas ang lahat ng RHU upang magproseso ng inyong kinakailangang medical clearance o certification para magamit po ninyo sa inyongbpagluwas pabalik sa trabaho at ibat ibang destinasyon. Libre po ang issuance ng medical certification mula sa RHU at kung talagang kailangan at hindi na maihihintay sa January 2 ay pwede din pong kumuha sa GCH o lying in at may kaukulang bayad naman po ito ayon sa takdang singil ng ospital.

Nais ng ating Mayor Jose Boyong Boyong na mapagsilbihan ang ating mga kababayan sa oras ng kanilang pangangailangan at isantabi muna ang pagbabakasyon ng mga empleyado.

Nakaduty din sa lahat ng pagkakataon ang DRRMO Rescue para sa emergency response.

Always on duty naman ang ating kapulisan at bumbero para sa serbisyong inyong kailangan.

Magbabalik po ang regular na pasok ng pamahalaang bayan ng Guimba sa January 4, 2021.

Ingat po ang lahat at salubungin natin na mapayapa ang panibagong taon sa panahon ng new normal.