Bago sumapit ang kapaskuhan ay ipinamahagi na ng Munisipyo sa pangunguna ng HRMO ang dalawang libong pisong suporta ng ating pamahalaan at Mayor Jose Boyong Boyong Dizon, sa tulong ng buong Sanguniang Bayan, para sa lahat ng Job Order at Contractual na manggagawa ng pamahalaang lokal ayon sa guidelines.

Kanyang pinangunahan ang pamamahagi sa isang simple, organisado, naka schedule at mabilisang distribution sa hangad na may magamit ang mga kawani sa mahabang panahon na walang pasok at pagdiriwang ng kapaskuhan.

Layunin ng programang ito na may magamit ang ating mga kapatid sa serbisyo. Magsilbi itong simbolikong pagasa sa lahat at suportang malasakit sa kalagayan ng bawat isa.

#GuimbaKongMahal