para alam ng taumbayan ang nagaganap sa ating bayan.
Isa ang bayan natin sa naipasama sa expanded bakuna area kung saan dire diretso tayong mabibigyan ng supply ng bakuna kung kayat wala ng dapat ipangamba ang ating mga kababayan at wala na din dahilan para magsingitan at magunahan sa pila.
Isa na namang tagumpay ng mamamayan sapagkat natupad na ang isinusulong at inilalaban ng ating Mayor na tayo ay mabigyan ng sapat na bakuna para sa mamamayan ng Guimba.
Mangyari po na ayusin natin ang ating pagpila. Ang mga A4 ay kinakailangang hintayin ang txt para sa kanilang schedule gayundin ang mga sumusunod sa A4 habang ang mga Toda Driver, Teachers, Estudyanteng may kursong health allied o related, Mga frontliners, seniors, OFWs at may mga comorbidities naman ang maaaring mag walk in (A1 to A3).
Pila Disiplina ang kailangan at hindi kayang sabay sabay tayong mababakunahan.