Para sa kaalaman ng lahat, ang ating Mayor at kanyang tanggapan ay nakapagbigay na ng tulong pinansyal sa isang libo limang daan dalawamput walo (1,528) kataong benepisyaryo na nagkakahalagang mahigit limang milyon limandaan animnaput limang libong (5,565,363.00)piso sa nakaraang 2020.

Ito ay pagtugon nya sa pangangailangan ng ating mga kapos palad na kababayan katulad ng pambili ng gamot, pambayad sa ospital, pagpapa check up sa mga eksperto ng medisina, burol, pagpapalibing at napakarami pang suliranin na inilalapit ng mamamayan sa ating ama ng bayan. Hindi pa kasama ang mahigit isang milyon na nanggagaling naman sa kanyang sweldo na kanya ding ipinamimigay sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong at lumalapit sa kanyang tanggapan.

Hindi pa kasama dito ang mga programang nagbibigay ng maliit na puhunan sa ating mga mamamayan upang magamit nilang dagdag puhunan o pagsisimula ng isang maliit na negosyo.

Layon ng ating Mayor, katuwang ang buong Sanguniang Bayan, na umagapay at tumulong sa ating mga kababayan sa abot ng makakaya.

Para sa bayan
#GuimbaKongMahal