Guimba Community Hospital o mas kilala sa tawag na “lying in” ay ginawaran ng award bilang top performing DOTS providing hospital sa buong Region III.

Mahusay na Delivery of TB services ayon sa National Tuberculosis Control Program ng DOH
kung saan kanilang sinusuri at kinikilala ang mga ospital na nangangalaga sa mga pasyenteng may sakit na tuberculosis.

Hindi hadlang ang Covid 19 sa pangangalaga ng may mga sakit at ang award na ito ay syang patunay sa mga sakripisyo ng ating mga kawani ng ospital sa pamumuno ni Doc Manuel Galapon III.

Hindi matatawaran ang kanilang serbisyo para sa mamamayan ng Guimba sapagkat bukod sa pangangalaga nila upang kayo ay gumaling kailangan din nila kayong proteksyunan laban sa Covid 19.

#MalasakitSaKapwa
#SulongKawaniNgKalusugan
#OspitalNgBayan
#GuimbaKongMahal