RHU 1, 2 at 3 staffs/frontliners (nurses, doctors, medtech, midwife at iba pa) nagpabakuna na at naguunahan pa sa pila.

Ipinamamalas ng LGU Guimba na ang serbisyo publiko dapat nagpapakita ng katibayan at ehemplo. Walang alinlangan na nagpabakuna upang mawala ang agam agam ng ating mga kababayan.

Matagal nating hinintay na magkaroon ng bakuna para sa pandemyang bumalot sa buong daigdig. Matagal tayong umasa na magkakaroon ng solusyon ang ating paghihirap ng dahil sa Covid 19 kung kayat taralets boluntaryong magpa rehistro kapag umikot na sa lugar nyo ang “Bakunation”.

Nasa ating mga kamay ang pagasa ng ating bayan na bumangon at labanan ang virus na covid. Dalangin ng ating Ama ng bayan Jose Boyong Boyong Dizon na ang ating mga kababayan ay makikiisa.

Ating ipagpasalamat na ang ating bayan ay nangunguna sa pagbabakuna habang naghahanda pa lamang ang iba.

#ResBakuna
#GuimbaKongMahal