Apat na irrigators association ang pinagkalooban ng tigi tigisang traktora upang magamit at mapakinabangan ng kanilang mga myembrong magsasaka. Ang naturang kagamitan sa pagsasaka ay napakalaking tulong upang mapabilis ang pagbubungkal at paghahanda sa mga lupang sakahin sa tuwing sumasapit ang panahon ng taniman sa bukid.

Ginagawa ng pamahalaang lokal, sa pamumuno ng Ama ng Bayan Jose Boyong Boyong Dizon, ang lahat upang mapaunlad ang industriyang bumubuhay sa ating bayan at mga kababayan. Sinisikap na maihatid ang lahat ng kaya at maaaring maitulong sa magsasaka.

Masayang tinanggap ng pamunuan ng mga irrigators association ang kani kanilang bagong traktora at sila ay nagpapasalamat sa tulong at buong pusong pagsuporta ng Pamahalaang Bayan sa sektor ng agrikultura.

#MakinaryaParaSaMaunladNaPagsasaka
#GuimbaKongMahal

no images were found