Ang ating Mayor ay nagpapahatid ng kaunting suporta sa mga nakakwarantina. Bigas, sardinas, noodles bilang tulong pangalalay para sa pagkain at kung mayroon pang mapagkukunan o available na gamit at pondo ay nagpapahatid din sya ng tubig, shampoo, sabon, toothpaste at iba pang bagay na magagamit ng ating mga kababayan habang sila apektado ng kumakalat na sakit. Nais nh ating Ama ng Bayan na kahit paano ay may makain ang ating mga kababayan.
Ang mga nagpopositibo, naoospital, kinakailangan ng medikal maging ang ating mga nasawing biktima ng mapamuksang virus ay binibigyan din ng tulong pinansyal.
Hindi man tayo kasing yaman ng mga syudad na may mga bilyunang pondo, mayroon naman tayong Mayor na marunong magpahalaga sa buhay ng ating mga maralitang kababayan. Kahit anong paraan ay kanyang ginagawa at kahit anong klaseng tulong ay kanyang ibinibigay. Pagpasensyahan nyo po kung ano ang nakayanan at sigurado namang galing ito sa bukal na puso.
Simula nuon na wala pang pandemya hanggang ngayon ay diretso pa ding nagbibigay ng suporta at pinansyal na tulong ang ating ama ng bayan sampu ng kanyang pamilya. Serbisyong DIZON kahit anong mangyari itatawid kayo patungo sa bagong normal.