Sahod ng ating mga SPES program beneficiaries pinangunahang ipinamahagi ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon katuwang ang ating masisipag na PESO Manager at staffs.
Sa aking panayam sa mga kabataang kabilang sa SPES lahad nila na malaking bagay ito para sa kanilang pagaaral dahil matutulungan nito na mabawasan ang atang atang ng mga magulang na bigat ng mga gastusin sa kanilang pagaaral.
Pabiro kong tinanong kung bibili ba sila ng milktea at ang sagot ay hindi daw dahil natutunan nila ang pagpapahalaga sa perang bunga ng kanilang pagsisikap na tapusin ang SPES program.
Hindi lang pala pinasyal ang naidugtong ng programa may natutunan at tumimo ding aral sa ating mga kabataan.

For more info, click here.