Pamamahagi ng sweldo ng ating mga SPES beneficiaries isinagawa ng ating masipag na PESO manager Honey Grace Sarte at personal na dinaluhan ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon Vice Mayor Joselito Dok Lito Galapon at Sanguniang Bayan.
Ang proyektong ito ng PESO Guimba ay isa lamang sa maraming paraan ng ating pamahalaang bayan na makaagapay sa ating mga kababayan lalo na sa panahon ng pandemya. Nakapaloob ito sa Jobs and Livelihood generation program ng ating Mayor kung saan ay pinagsusumikapang makahanap ng maitutulong sa mamamayan katulad ng paghahanap ng kanilang mapagkakakitaan, pagbibigay ng libreng training at starter kits maging ang paghahanap, pagasiste at pagbibigay ng trabaho para sa ating mga manggagawa.
Makakaasa ang ating mga kababayan na hindi tumitigil ang pamahalaang lokal sa paghahanap ng maitutulong sa ating mga kababayan dahil layunin ng PESO guimba na iangat ang antas ng kabuhayan at paunlarin ang kakayahan ng mamamayang kabilang sa sektor ng paggawa.