Sa nakaraang araw ay bumisita ang ating Gobernador Aurelio Oyie Umali, Bokal Ller De guzman, Rap Rap Villanueva, Eric Salazar sa ngalan ng Bise Gobernador Doc Anthony Umali, Mikka Suansing at Cong. GP Padiernos.
Ang pulong na ito na dinaluhang ng 62 barangay officials mula Kapitan, Kagawad, treas at sec at ilang barangay officials mula sa 2 humiwalay na kapitan kasama ang Team Guimba Kong Mahal sa pamumuno ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon, Vice Mayor Jesulito Dok Lito Galapon, SBM Diane Beltran, SBM Stephanie Pane Alvarez, SBM Julius Gregfort Oyo Lumang, SBM Atty Virgilio Vir Fabros, SBM Anthony Tunying Ubaldo, SBM/ABC Remedios Agapito, Sir Kent Natividad, Sir Johnny Estabillo at Sir Carlo Dizon.
Dito binigkis ang pagkakaisa ng lahat at ipinakita ang solidong pagsuporta sa iisang adhikain na lalo pang paunlarin ang bayan ng Guimba at lalo pang patatagin ang pagsuporta sa mga programang tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Tigib ng kagalakan at nagkakaisang ipinagsisigawan ang suporta ng buong bayan para sa pagpapatuloy at pagpapayabong ng mga kapakipakinabang na programa tungo sa maunlad na Syudad ng Guimba.
Kasama sa deklarasyong gawing anak ng Guimba ang ating ama ng lalawigan. Si Gov Oyie ganap ng Guimbanian.