Habang ang ating Ama ng Bayan at pangkat pangkalusugan ay abala sa pakikipaglaban sa Covid 19 ay sya namang pagpapatuloy na paghahanap ng kabuhayan para sa ating mga kababayan.

Ang PESO Guimba sa pamumuno ni PESO manager Honey Wy Sarte ay isa sa nagsisikhay na maisakatuparan ang nais ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon na makatugon ang ating pamahalaan sa pangangailangan ng ating mga kababayan katulad ng trabaho at pangkabuhayan. “Sabay dapat na isinusulong ang mga programa upang tayo ay makaalalay sa ating mga kababayan habang ang isang bahagi naman ay dumidepensa sa hagupit ng hindi nakikitang kalabang Covid” sambit ng ating Ama ng Guimba.

Ang dalawamput limang (25) magaaral ng shielded metal arc welding ay makakatanggap ng 5,920 pesos bilang allowance habang nagaaral, 500 pesos para sa kanilang protection laban sa Covid (PPE), 500 pesos na internet allowance at welding starter kit.

Sa kanilang pagtatapos ay makatatanggap din sila ng NC1 certification mula sa TESDA tanda ng kanilang pagpasa at pagtatapos ng libreng kursong hatid ng munisipyo.

#GuimbaKongMahal