Para sa ating mga manggagawa

Dire diretsong programa ang ibinibigay ng PESO Guimba sa ating mga manggagawa lalo na ang sektor ng manggagawang bukid na nawalan ng hanapbuhay. Inihahanda sila na mabigyan ng sapat na kaalaman at sertipikasyon upang makapasok sa trabaho.

Batid ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ang hirap na dinaranas ng ating mga pamilyang mula sa pagsasaka kung kayat puspusan ang pagsusumikap nya na mabigyan sila ng mapagkakakitaan katulad ng livelihood at hanapbuhay.

Para po sa nais ninyong skill training program na may NC II certification makipag-ugnayan sa PESO Guimba.

#SulongManggagawa
#GuimbaKongMahal