Ang pamahalaang lokal ay umaalalay din sa ating mga barangay officials sa kanilang pagbubuo ng mga plano para sa kapakinabangan ng kanilang mga nasasakupan.
Sa tulong ng DILG at ng Liga ng Barangay ay ating naisasagawa ang mga kinakailangang seminar at oryentasyon upang maihanda ang ating mga barangay officials sa mga gawain at programang sumesentro sa pagsusulong ng kapakanan ng mamamayan.
Nito lamang nakaraang huwebes at ngayong araw na ito ay matagumpay na naisagawa ang Capacity Development (CapDev) orientation/seminar bilang bahagi ng paghahanda para sa implementasyon ng Devolution Transition Plan o DTP.
Makakaasa ang ating mga kababayan na ang ating mga barangay at pamahalaang lokal ay patuloy na pinayayabong ang kaalaman at lalo pang pinaghuhusay ang mga sistema at gawain upang mapagsilbihan ng buong puso at higit pa sa sapat ang bawat Guimbanian.