Isang libo pitong daan at apatnaput pitong (1,747) pre schooler ang mabibigyan ng bag.

Bilang paghahanda sa anumang magiging resulta ng pandemyang ating kinakaharap, ang ating lokal na pamahalaan sa pamumuno ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ay mamimigay ng mga bags para sa mga pre-school na estudyante ng ating mga day care centers upang makabawas sa aalalahanin pa ng mga magulang kahit pa umabot ng susunod na taon ang ganitong kalagayan.

Handog ng ating pamahalaang lokal sa ating mga kababayan bilang paghahanda sa new normal.

#SulongEdukasyon
#GuimbaKongMahal