Narito po ang schedule para sa paglilinis at pagbisita sa sementeryo. Ang bawat barangay ay may tatlong araw na inilaan para malinis at mabisita ng ating mga kababayan ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. Sakop ng iskedyul na ito ang sementeryong pampubliko at pribado.
Ito ay napagpasyahan ng Guimba IATF na may Resolusyon Bilang 10-9-S-2021 upang mabigyan ng pagkakataon ang mamamayan ng ating bayan gayundin ang mga bisita mula sa ibang bayan o syudad na malinis at mabisita ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay sapagkat isasara po ang lahat ng libingan simula October 29 hanggang November 4, 2021 ayon sa Resolusyon ng Nueva Ecija IATF No. 7 series of 2021.
Iwasan din po nating magdala ng mga hindi kinakailangang bagay at ang mga kutsilyo, itak, asarol na gagamitin sa paglilinis ay kailangan dumaan sa mga magbabantay.
Layunin po natin na maging ligtas para sa lahat ang Undas 2021
May mga magbabantay po na nakatoka upang siguruhin na ligtas ang mga dadalaw sa sementeryo at mapanatili ang minimum health protocol. Kami po ay umaasa sa inyong kooperasyon upang maiwasan natin ang pagsisikip ng ating mga libingan na dapat mamintina sa 30% venue capacity bilang pagsunod sa NEIATF Resolution No. 7 series of 2021.
Paalala sa lahat na ipinagbabawal ang mga edad 14 pababa at 66 pataas sa mga pampublikong lugar maging sa mga sementeryo. Nananatili ang liquor ban kung kayat bawal ang nakainom na papasok sa mga libingan.