Sapagkat nakikinig sa daing ng mga biktima, minomonitor ang kalagayan ng bawat isa at tahimik lamang na iniikot ng ating Mayor ang bawat barangay upang kanya mismong malaman ang kalagayan ng ating mga kababayang nabiktima ng Covid kung kayat kanyang pinagpasyahan na hindi lang malinis na pasilidad ang dapat na mailaan sa ating mga pasyente bagkos ay pinakakabitan pa nya ito ng aircon, shower at telebisyon kasama na ang iba pang mga kagamitan upang maibsan ang nadarama ng bawat biktimang ilalagay sa isolation/quarantine facility.

Napakahalaga ng mga barangay isolation unit (BIU) na inilaan ng bawat barangay subalit kapos ito kung sabay sabay ang nagiging kaso sa isang barangay at ang mga paaralan na ating ginagamit bilang facility quarantine ay kinakailangan ng maibalik sa DepEd kung kayat panahon ng magtayo ng isang pasilidad na yayakap at handang arugain ang ating mga kababayan.

Nililinaw po namin na ang dalawa o tatlong metro na layo ng bawat isolation unit sa kabahayan ay sapat ng siguridad na hindi sila mahahawa. Hindi po inililipad ng hangin ang virus na covid kayat safe po ang ating mga kabarangay. Hindi po namin ikokompromiso ang inyong kalusugan at kapakanan.

Ang lahat ng ito ay pagmamalasakit ng ating Ama ng Bayan at pagsusumikap na maitawid ang lahat tungo sa bagong normal na buhay.

Para sa mamamayan ng ating minamahal na bayan
#GuimbaKongMahal