LGU Guimba sa liderato ng ating Mayor Jose R. Dizon at koordinasyon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagpamahagi ng limang livelihood na sari sari starter package sa limang kinilalang benepisyaryong pamilya na may mga anak na sa murang gulang ay naghahanap buhay.

Layunin ng programang ito na maalalayan o matulungan ang mga pamilyang hikahos sa buhay at napipilitang sumabak na sa paghahanap buhay ang kanilang mga anak. Nais ng ating Mayor na maibalik sila sa pagaaral sa pamamagitan ng paghahanap ng paraan na ang kanilang magulang ay mabigyan ng magiging hanapbuhay sa pamamagitan ng employment at livelihood.

Isinagawa sa pamamagitan ng masikhay na pagganap ng ating PESO Guimba manager Honey M. Wy-Sarte at DOLE Nueva Ecija.

#livelihoodprogram
#SulongMamamayan
#ProgramAgainstChildLabor
#ChildFriendlyMunicipality
#EcoFriendly
#GuimbaKongMahal