Pangalawang patak kontra polio isinasagawa ng mga kawani ng Rural Health Units Guimba katuwang ang mga BHW at personnel ng DOH.

Malayo man ang kanilang lalakbayin pilit parin nila kayong aabutin para maihatid ang bakunang panlaban sa polio upang ang inyong anak ay siguradong ligtas sa sakit na ito.

Bahay bahay po nilang isinasagawa ang patak bakuna kung kayat walang mga face mask ang mga ginang ng tahanan sapagkat nasa loob sila ng kanilang bakuran.

Programang hatid sa inyo ng lokal na departamento ng kalusugan sa pamumuno ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon at nasyunal na kagawaran ng kalusugan.

Serbisyong kumakalinga at nagsisiguro sa kalusugan ng namamayan.


#TeamRHU
#GuimbaKongMahal