Ibinubukas ng pamahalaang lokal ang buong kaganapan sa munisipyo upang nalalaman ng mamamayan ang lahat.

Sa pagnanais ng ating Mayor ng isang participatory governance kung saan ang mamamayan ay kabilang sa pagpaplano ng mga programa ng pamahalaan, binabalangkas ng HRMO, sa pangunguna ni Personnel Officer Rommel Lizarondo, ang paghahanda upang maging responsive at friendly ang mga kawani ng pamahalaang lokal at maging angkop ang kakayahan ng bawat isa sa pagtanggap, pagdinig at pagtugon sa karaingan ng mamamayan.

Nagdaos ng pagtatasa para sa mga head of offices ngayong araw bilang paglilinang sa kakayahan ng bawat departamento ng lokal na pamahalaan.

Layunin ng LGU Guimba na maging kaaya aya ang pook pamahalaan para sa ating mga kababayan bilang panimulang hakbang upang maisulong ang minimithi ng ating Mayor na participatory government.

Sulong minamahal na bayan
#GuimbaKongMahal