Matapos ang barangay Maturanoc at Consuelo, at sa pangalawang araw nagtungo naman ang ating team sa barangay Agcano, Bulakid at Caingin Tabing Ilog ayon sa schedule ng pamimigay ng bigas.
Katulad ng dati isang buhos at isang nagkakaisang lakas ng munisipyo mula sa Mayor’s office at iba pang mga kawani ng pamahalaang lokal kasama na ang ating buong Sanguniang Bayan ang sama samang naghatid ng ayudang bigas mula sa ating Gov Oyie, Vice Gov Doc Anthony at Sanguniang Panlalawigan.
Ang sama samang pagkilos ay simbolo ng pagkakaisa. Ito ang nais nating maipakita sa lahat lalo na sa panahon ng pandemya. Nakakatakot na panahon subalit nananaig ang mithiing makatulong at maipadama sa ating mga kababayan na nandito ang kanilang pamahalaan at sa hirap man ng buhay kami ay kanilang kasama.
Alalahanin natin ang mahalagang mensaheng “we heal as one” dahil sa Guimba walang iwanan at kayang kaya nating labanan ang nagsusulputang kalabang hindi nakikita at mapagpanggap.
Salamat po kasanggang sumusuporta Gov Oyie Umali at buong pamunuan ng Panlalawigang Pamahalaan.