Rektang Bayanihan sa Barangay Manacsac, Guimba, Nueva Ecija. Isang mahalagang pagtitipon na dinaluhan ng ating mga matataas na opisyal ng PNP at iba pang panauhin:

1. Chief PNP PGen Camilo Pancratius P. Cascolan.
2. Jose R. Dizon Ed. D Municipal Mayor
3. PBGen. Valeriano T. De Leon RD PRO3
4. PBGen. Rhodel O. Sermonia DPCR
5. PCol. Marvin Joe C. Saro OIC PD NEPPO
6.Manacsac Brgy Chairperson Rolanda L. Domingo
7. Myrna J. Reyes President of Donate Philippines
8. Ms Michelle Gumabao 2nd Runner up Ms Universe Philippines

Sa kanyang maikling talumpati, nagpasalamat ang ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon sa pagbibigay ng panahon ng mga dumalong bisita at kanyang sinambit na ang pamahalaan ay katuwang ng mga magsasaka at manggagawang bukid at hindi ito tumitigil na maghanap ng mga paraan upang sila ay matulungan. Hindi kayang igupo ng pandemya at anumang pagsubok ang katatagan ng mga tiga guimba.

Sa talumpati ng Chief PNP, binigyan diin nya na kahit gaano pa kahirap ang dulot ng mga dumarating na pagsubok sa atin tulad ng bagyo at pandemya ay hindi tayo dapat bumaling sa mga makakaliwang grupo at wala na sanang bata na magbubuwis ng buhay at magdadalamhating magulang. . Narito ang inyong pamahalaan na handang tumulong upang iangat ang inyong kabuhayan.

Napaka espesyal ng araw na ito sapagkat dinalaw ang ating bayan ng pinaka mataas na pwesto sa hanay ng kapulisan at hindi lamang ito pagbisita kundi sinadyang pagdalo.

#PamahalaangKumakalinga
#RektangBayanihan
#GuimbaKongMahal