Barangay Culong, Manggang Marikit, Manacsac, Yuson at San Roque Regular Clean up drive.
Paglilinis ng kapaligiran naway inyong samahan
sapagkat para din ito sa inyong kapakanan
kung kayat huwag naman sanang magtapon sa lansangan.
Sinupin nyo ang inyong basura at turuan ang mga bata na magtapon ng tama sa basurahan at huwag sa lansangan ng sa ganun dengue at iba pang mga sakit ay maiwasan.
Tulungan po natin ang ating mga barangay officials upang matulungan din nila tayo. Kooperasyon at pakikiisa ang kailangan kung nais nating maiangat ang ating antas ng kabuhayan.