Isang proyekto nanaman na kaloob ng Department of Agriculture ang malapit ng mapakinabangan ng mga magsasaka ng bayang Guimba partikular na ang mga kasapi ng GuimbaVictoria Irrigators Association sa patnubay at pagpupunyagi ng ating Ama ng Bayan Jose R. Dizon.

Kanina lamang October 7, 2020 ay nagsagawa ng inspection ang DA-RFU3- Engineering and Operations Division kasama ang Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni MA-OIC Josie Abesamis sa itinatayong bodega na syang mag sisilbing lilim sa ipagkakaloob na Recirculating Dryer sa bayan ng Guimba na sya namang magagamit ng mga magsasaka sa pagtutuyo ng palay partikular na tuwing tag-ulan. Layunin ng inspection na ito na alamin ang progreso ng ginagawang gusali na inaasang mayayari nitong Nobyembre 2020.

#guimbakongmahal