Rat Bait (pain sa daga) ay nais ng Municipal Agriculture Office na maipakalat sa buong Guimba upang ating makontrol kung hindi man malipol ang mga pesteng sumisira sa palayan at nagiging sakit ng ulo ng ating mga magsasakang kababayan.
Plano ng MAO na payabungin pa ang programa ng sa gayon ay matulungan ang ating mga farmers laban sa mga peste ng palayan. Ang programang “pest control” ay binabalak na regular na maisagawa every cropping hanggang sa maabot natin yun layunin.
Kung nais po ninyong kayo ay mabigyan ng libreng pain. Makipagugnayan po sa inyong Kapitan, Agri Chairman o MAO technician na may sakop ng inyong barangay.
Sama sama at tulong tulong nating puksain ang mga peste sa palayan!!

#SulongPalayProduction
#TeamGuimbaKongMahal