Muli ang Pamahalaan ng Guimba, sa gabay ng butihing Mayor Jose R. Dizon, Vice Mayor Doc Lito Galapon, SB Members at mga kawani ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dra. Ma. Ma Gene Cinense-Tadeo ay nag aanyaya sa ating mga kababayan na makiisa at sumuporta sa BLOODLETTING ACTIVITY na gaganapin sa ika-2 ng Agosto, 2022, 8am-3pm sa ating Municipal E-Library Building. Sa pakikipagtulungan ng Dr. PJGMRMC at Provincial Health Office Nueva Ecija.
📌Maari kang makapagbigay ng dugo kung:
➡️May timbang na at least 50kg
➡️Edad 18-65 taong gulang
➡️Malusog ang pangangatawan (walang pananakit ng lalamunan, ubo, sipon, lagnat sa nakalipas na 2 linggo)
➡️Presyon: systolic 90-140, diastolic 60-100
➡️Sapat na tulog at pahinga
➡️Hindi nakainom ng alak sa nakalipas na 24 oras bago magdonate ng dugo
➡️Nabakunahan na ng lampas sa 2 linggo bago magdonate
➡️Walang iniinom na antibiotics o aspirin sa kasalukuyan
➡️Walang kasalukuyang exposure sa nagpositibo sa Covid-19
➡️Pumasa sa physical at health screening sa mismong araw ng blood donation
Sa sarili mong paraan ay maari kang makapagligtas ng buhay ng ating mga kababayan.
Mangyari po lamang na dalhin ang inyong vaccine card.
TAYO NA! GIVE BLOOD SAVE LIVES😊❤️❣️