Pulong ng DOH, LGU Guimba sa pangunguna ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon kasama ang RHU 1,2 at 3, GCH, Budget, Information Officer, DILG at USAID.

Tinalakay dito ang commitment ng ating lokal na pamahalaan patungkol sa gawaing pangkalusugan partikular ang pagpapababa ng bilang ng mga nagkakaroon ng TB sa ating bayan hanggang sa ito ay maging manageable o kontrolado at tuluyang maiwaksi alinsunod sa Philippine Commitment at Sustainable Development Goal

Sa pulong na ito ay pinasalamatan ng DOH ro3 at kinatawan ng USAID ang ating Ama ng Bayan sa kanyang suporta, pagmamahal sa kanyang nasasakupan at commitment o pagnanais na magapi ang sakit na TB.

Para sa kapakanan ng lahat
#GuimbaKongMahal