Paghahanda sa gaganaping pagbabakuna ng mga medical staff at medical frontliners.
Detalyadong paghihimay himay sa mga giyang sinusunod sa pagsasagawa ng pagbabakuna.

Unang hakbang ng ating bayan para sa kalayaan ng mamamayan sa restriksyong dulot ng Covid 19. Unang hakbang pasulong sa bagong normal na buhay at kung saan man tayo umabot, narito ang pamahalaang lokal na umaalalay sa mamamayan at hinding hindi kailanman kayo iiwanan.

Ang mga kawani ng ospital (Lying In) ang mangunguna sa babakunahan kasunod ang ilang mga kawani ng RHU 1, 2 at 3 hanggang maubos ang mga bakuna. At dito matutunghayan nyo ang mga kaganapan upang maalis ang inyong mga agam agam sapagkat kami sa pamahalaan mismo ang mangunguna bago mabakunahan ang ating mga kababayan.

Para sa ating bayan
#GuimbaKongMahal