Balita o anunsyo pa lamang ng paparating na bagyo naghahanda na agad ang munisipyo.Ito ang mahigpit na tagubilin o direktiba ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon sa mga kawani ng pamahalaan kasama na ang ibat ibang ahensya, mga volunteers at Liga ng Barangay.

Pagpupulong (PDRA) o pre disaster risk assessment kung saan pinaguusapan ang kakayahan at kailangan maging ang mga karanasan sa tuwing may kalamidad. Inihahanda na din ng MDRRMO ang mga kagamitan matapos ang pagpupulong.Ganito tayo sa Guimba Ayaw natin na may nadidisgrasya sa bawat sakuna dahil ang gusto ng ating Mayor safe ang lahat kabayan.