Sapagkat ang boses ng mamamayan at ang kanilang karaingan ay tinutugunan ng pamahalaan. Dahil sa sidhi ng panawagang paghuli sa mga perwisyong motor na may maingay na tambutso kung kayat aming inilalabas ang report hingil sa “Oplan Baklas at Pitpit Tambutso”

Sa mga nakalipas na panahon kung saan umiiral ang lubhang katahimikan sa ating bayan pagsapit ng dilim sanhi ng lockdown at striktong curfew hour sa kasagsagan ng enhanced quarantine ay mauulinigan ang boses ng ating mga kababayan na nagrereklamo laban sa maiingay na tambutso.

Isa itong magandang resulta ng pagkakaroon ng mga group chat sa bawat barangay sapagkat mabilis nilang naipagbibigay alam ang kanilang mga panawagan at agad namang natutugunan ng pamahalaang bayan at barangay.

Nito lamang pagpapalit ng taon ay aabot sa isang daan dalawamput anim (126) na motorsiklong may maiingay na tambutso ang nasabat ng ating kapulisan at pinitpit gamit ang pison.

Seryosong kampanya laban sa mga pasaway sa kalsada lalo nat kung mayroong tayong mga kababayan na napeperwisyo at nagagambala.

Hinihikayat ng pamahalaang lokal ang ating mga kababayan na huwag ng bumili ng mapaminsalang tambutso sapagkat kapag kayo ay nahuli sayang lang ang inyong ipinangbili at may multa pa kayong haharapin.

Para sa inyong mga reklamo laban sa maiingay na tambutso, ipagbigay alam agad sa nakakasakop na pamahalaang barangay o itawag aa ating mga masisipag na alagad ng batas.